lumilipad na isip sa alapaap

About Me

ordinaryong tao sa ekstra ordinaryong mundo na may gustong patunayan kahit man lang sa mumunting bagay na maari nyang ibahagi sa mga taong naka paligid sa kanyang buhay... naniniwala sa kasabihang: "kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila"

My Communities

your name:

url:

your message:

April 28th, 2008

THE LYZIUS IS OUT

Posted by lyzius0608 at 03:31 PM on April 28, 2008 in buhay buhay lang, karir tib-ak, on the lighter side of me as a stickied post.

 

 

......LIPAT BAHAY!

................LIBRE DALAW!

........................ LIBRE SIGAW!

................. LYZIUS

........DALAW NA! PARA MASAYA!

 

 

ang chumorva!

April 22nd, 2008

Sorry

Posted by lyzius0608 at 03:21 PM on April 22, 2008 in on the lighter side of me.

 

 

....

tuluyan na ata kitang nakalimutan. ganun pa man, mananatili akong narito sa paligid mo, parang hangin, di mo nakikita pero nagpaparamdam lang...

....

parang utot, hindi mo makita pero malakas ang arrive...

3 chorva ka lang!

April 9th, 2008

Ang Paghihiganti

Posted by lyzius0608 at 12:24 PM on April 9, 2008 in on the lighter side of me.

Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay nang may Makita siyang babaeng nasa taas ng gilid nito at magtatangkang magpatiwakal.


"Huwag," sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae at siya'y bumaba.

Lalaki: Ano bang problema mo't naisipan mong gawin yan.

Babae: Kasi, iniwan ako ng boypren ko't sumama sa ibang babae.

Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko inisip na magpakamatay.

Babae: So, anong gagawin natin?

Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi...

Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.

Babae: Paanong paghihiganti?

Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin... (sabay kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang ipinahiwatig na yon).

Maya maya'y nasa isang kuwarto na sila ng motel at nangyari na nga ang di dapat mangyari. Nang makaraos si lalaki, nagsindi siya ng yosi. Nang halos filter na lang ay biglang nagsabi si babae ng "Maghiganti uli tayo".

Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni babae.

Nang makaraos uli, nagsindi uli si lalaki ng yosi. Nasa kalahati pa lang ang yosi.

Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hilig, muling pinagbigyan niya si babae.

Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si lalaki ng yosi. Unang hitit pa lang niya ay

Babae: Ganti uli tayo. Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng babae.

Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan pa lang nang biglang...

Babae: Ganti uli tayo.

Lalaki: 'JUSKO NAMAN!!!! PATAWARIN NA LANG NATIN SILA, PWEDE?!!!!

 

ang chumorva!

April 8th, 2008

Ang Nagagawa nga naman ng mga Walang Magawa

Posted by lyzius0608 at 11:34 AM on April 8, 2008 in karir tib-ak, on the lighter side of me.

Ang habang taytol. Pero ito ang nagagawa ng mga walang magawa.

Ipinauso ni Krams ang tanong na ito at ipinadala sa sandamukal na taong alam nyang walang magawa sa buhay. Isang survey daw ito mula sa friendster. At sinagutan naman ng mga self proclaimed walang magawa sa buhay tulad ni LyziusMeYaniPedro , Idsil   at Jep. Tingnan natin ang kanilang mga kasagutan:

 1.anong ayos ng buhok mo ngayon?

krams: may malagkit na likido na nakapahid sa buhok ko.

Lyzius: katulad ng dati, akala mo hindi hinagod ng suklay. Buhaghag na parang bigas

Yani:  medyo matigas at mala Jose Rizal ang hawi

Jep:gagong gupet na malupet

Me: Malinis na tabas at may konting pamada.

Pedro: katulad ng kahapon…di ako nagsusuklay eh

Idsil: parang bulbol, yakkkkk!!!!

 

2. kumusta na ang puso mo?

krams: umiibig parin

Lyzius: tumitibok tibok pa ring parang bundok hibok hibok

Yani: medyo mabilis ang tibok dahil sobrang taba ko.

Jep:natibok pa naman awa ni bossing

Me: Bigla ko tuloy naalala na may puso pala ako, Eto tumitibok pa rin.

Pedro: Malungkot! Wala kasi ang aking iniirog eh 

Idsil: alam n’yo na? nasa pinas kasi esmi ko.

 

 

3. may iniisip ka ba ngayon?

krams: sya lang at wala ng iba

Lyzius: mayroon din kahit konti

Yani: oo marami, pano makakaalis sa kompanya ko..bwaaahhh!!!

Jep:ang aking inay nasa ospital cya ngaun,..huhuhuhuhu

Me: Marami akong pinag-iiisip, kahit ang mga bagay na hindi ko na dapat isipin iniisip ko pa rin.

Pedro: Marami….paano kaya ako makakapagbakasyon?????

Idsil: uu, pero sekreto muna.

 

 

4. madali ka bang magalit?

krams: hindi naman masyado

Lyzius: sila ang madaling magalit sa akin…nyahahaha.

Yani: Oo sobra!!!madaling mag-init ulo koh!!

Jep:hay naku napaka bilis nitong magalit.

Me: Hindi naman, kahit naman papaano ay mahaba ang ano ko… ang pisi ng pasensya ko

Pedro: depende…sa biro at sa pagkakataon

Idsil: kung minsan.

 

5. kelan ka huling nakakita ng unggoy?

krams: dito sa opisina marami unggoy

Lyzius: katulad ng inilahad ni Krams, mas maraming unggoy sa kalungsuran kesa sa kagubatan

Yani: sabi nga ng dalawa naunang sumagot, marami talaga dito sa opisina.

Jep:dami sa net kain pa nga sila ng saging,,chalap…subukan nyong hanapin malalim na lalamunan..

Me: Kung totoong unggoy matagal na, mahigit apat na taon na siguro. Kung “unggoy”, kanina lang

Pedro: kahapon…sa harap ng pansarili kong makabagong makinilya ha ha ha hah a 

Idsil: ngayon, ka-aalis lang. hehehee

 

6. kelan ka huling uminom ng taho?

krams: waaaahhh...matagal na rin yan. Pero depende sa klase ng taho.

 

Lyzius: kagabi…

Yani: hmmmm…..nung isang araw..ewan ko kung taho yun!!!

Jep:noong mayo 20 2007.ganap na 8:00:36 ng umaga sa pinas…(la lang hula ko lang)

Me: Noong huling bakasyon ko, ika-walo ng Nobyembre taong dalawang libo’t pito, sa panulukan ng Espanya at Sisa

Pedro: noong nasa pinas ako …buwan ng octubre taong dalawang-libo at pito..kasama ng aking anak habang naglalakad sa kalsada…

 

7. anong huli mong ininom?

krams: malambot na inumin

Lyzius: kape

Yani:   malamig na tubig..

Jep:dalawang malaki

Me: Isang basong tubig at isang basong katas ng ubas

Pedro: malamig na tubig..

Idsil: kape.

 

 

8. my sinisintang irog k b ngayun??

krams:  meron pero ewan ko sakanya

Lyzius: sikreto para bibo…natural meron

Yani:   ito’y isang lihim…Sekretong Malupit!!!

Jep:naman

Me: Magandang tanong, pero pangit ang sagot ko: Wala

Pedro: syempre pa! ang nag-iisa kong mabuting kalahati 

Idsil: syempre, tao lang po. Di nman tau tuod noh..

 

 

9. single? taken? o reserved? -

krams: reserb…ay ang daya bat may ingles dito

Lyzius: teken

Yani:     ako’y teken na rin..

Jep:wala sa nabangit.....dobol nako.

Me: Bakit biglang naging wikang banyaga??? Nag-iisa pa rin at naghahanda

Pedro:aminin!

Idsil: may sabit na.

 

 

10. kelan ka huling tumawa? -

krams: kanina

Lyzius: kanina

Yani:   kagabi

Jep:ngayon kc kakatawa gumawa neto..lang magawa sa buhay…tatlo na kaming nauto nya..wahahahaha…

Me: Kanina lang, habang sumasagot sa tanong bilang lima

Pedro:sa mga sandaling ito…mismo

Idsil: ngayon, natatawa ako ditto sa ginagawa ko heheheheh.

 

 

11. madali ka bang maimpluwensyahan?

krams: hindi naman pero madaling bumigay, oo hehehehehe

Lyzius: hindi

Yani:  depende..

Jep:d ko alam.

Me: Dipende sa nang-iimpluwensya. Hindi

Pedro : hinde…isip ko muna ng dalawang beses..minsan hanggang sampung beses

Idsil: kung minsan.

 

 

12. e may lakad ka ba mamaya?

krams: oo bibili ako paltap

Lyzius: naks naman ang yaman ni krams… lakad? Natural, alangan namang gumapang ako

Yani:   wala, tatakbo ko eh..nyehhhh..

Jepo makikigamit sa laptap ni mark..

Me: Oo, bibili ng pabango at Pi-es-pi

Pedro: sasamba ako mamya…martes ngayon eh!

Idsil: mmmmmmmmm.. bahala na.

 

 

13.may pinoproblema ka ba ngayon?

krams: wala akong pera!! ( tumatawa ng malakas)

Lyzius: katulad ng sagot sa itaas..

Yani:  pareho kami tatlo ng problema.

Jepo nanay ko nasa ospital tumaas ang presyon sa taas ng mga bilihin sa pinas..huhuhu(inay pagaling ka ..mmuaahhh)

Me: Tambay ako sa opisina ngayon, yan ang suliranin ko sa kasalukuyan

Pedro : pareho ng bilang….tatlo !

Idsil: kung pano ko s’ya makikila, pero sikreto muna kung sino..

 

 

14. anong pinakagusto mong nabili?

krams: wala pa!!

Lyzius: hindi pa nababayaran pero yung papel na makakapag uwi sa akin sa pinas

Yani:   wala akong gusto.

Jep:mali yung tanong dapat.anong pinakagusto mong inutang?…kc la akong pera kaya KASKAS NALANG…

Me: Sa pinaka-itaas ng aking listahan, ang laptap gawa ng mansanas – pundido na ako sa bintana eh

Pedro: yung aking proteksyon sa mata at relo na pareho ang tatak…

Idsil: diko alam eh.

 

 

15. mahilig ka bang tumakbo?

krams: ayaw kong napapagod...ang bigat ko

Lyzius:hindi

Yani: medyo lang

Jep:cguro ngaun palang ako mahihilig sa pag takbo kc balak kong takbuhan ang mga inutang ko d2 sa dubay…babay mga bangko..

Me: Oo

Pedroo

Idsil: uu, pero palagi talo……. (sa pagka-senador, hehehehe)

 

 

16. anong huli mong napanood sa tv?

krams: tagalog ba talaga sige sabi nyo eh (kung anu gusto ng babae) paki ingles nyo nalang hahahaha

Lyzius: ang huling patak ng regla ni lola 

Yani: ang kasaysayan ng Lobo.

Jep:wakin burdado..

Me: Ngayong umaga lang, ang pinaka-huli: Umagang kay Ganda

Pedro:nung kumain ako sa restawran na ang palabas ay Ang pilipinong istasyon….teleserye…

Idsil: ala ako tv eh..

 

 

18. madali ka bang magpatawad?

krams: oo..

Lyzius: hindi

Yani:  depende sa kasalanan

Jep:nde

Me: Oo

Pedroo naman

Idsil: kung minsan.

 

 

19. malikot ka ba?

krams: medyo...

Lyzius: oo

Yani:  sobra

Jepo

Me: Oo

Pedroo

Idsil: depende sa kinakalikot, heheheheh.

 

 

20. anong mas gusto mo? single na

krams: gusto mo palang o taken na mahal mo na?

anu nanaman eto and dayda ng tanung teknikal kana bat may ingles sa tanung?

>>>>Sakin kahit anu basta mamahalin ako at kaya ako panindigan

Lyzius: hindi ko maintindihan ang tanong

Yani:  hah?! Magulo ang katanungan..isang kalinlangan nanaman sa kadahilanan na may ibang lingguwahe ang tanong! Akala ko ba purong tagalog!!!

Jep:labo

Me: Ano ba talaga kuya?

Pedro: na may anak ha ha haha (Lyzius: ayun pala yung sagot dapat)

Idsil: ang gugulo mo!!!!

 

 

21. last friend/s you have been with?

krams: madaya talaga..bakit english nanaman yan? Paanung klase sa anung lebel,,,hay hirap naman sagutin dami ko kasi kaibigan…..hahahahahaha

Lyzius: ayaw ko sagutin kasi salitang banyaga ang tanong

Yani: hah!!!ito nanaman!!!ibang lingguhawe!!!ayoko na!!!

Jep: blanko

Me: Hindi ko naintindihan ang tanong

Pedro:  ang mga AB na lalake

Idsil: AB tropa naming.

 

 

22. ilan ang sim mo?

krams: dalawa po.. o bat ingles nanaman eto (paki tagalog ang “sim&rdquo

Lyzius: tatlo

Yani: ano ba tagalog sa Sim???!!....siguro dapat isang maliit na parihaba na naglalaman ng mga impormasyon ng kaibigan,kamag-anak at kung sinosinong tao  ng isang telepono na isinusuksok sa telepono…ang haba naman!!! ….SIM na lang!!

Jep:isa

Me: Dalawa (isang pangtawag at isa para sa pakikipagniig-lambat)

Pedro : tatlo

Idsil: tatlo pero dalawa lang gamit ko. Ala kasi ako pambili ng telepono, wahhhhhhhh!!!!

 

 

23. sino madalas mO ka text?

krams: Dito sa dubai puro tawag ako eh, pero sino pa.  sya lang kaso me lang lagi nagttxt bihira lang sya sumagot

Lyzius: si Nay at si Aaa (yaan ang pangalan nila sa telepono ko)

Yani: hay!!!ito nanaman…. Tagalog ng Text… ipinapadalang mensahe sa pamamagitan ng telepono..

        Sagot sa katanungan: ang matamiskoh…

Jep:asawa ko.

Me: Hindi ako mahilig mag-teks, tawag lang

Pedro: si misis.

Idsil: waswit ko.. heheheh

 

 

24. anong pinapakinggan mo ngayon?

krams: sa tagalog ba talaga?  “sa iyo tobu’” paki ingles nalang…..pagkatapos hanapin si connie talbot

Lyzius: takatak ng pindutan at ingay sa tanggapan (opisina)

Yani:  ang grrrrgrrrrgrrr!!ng mga pana sa paligid.

Jep:mark ganda ng musiko mo paborito ng anak ko c connie Talbot,,,(get flow..astig to!)kanta ni flo rida…

Me: Aral ako ngayon eh: MIT – Pananaliksik sa Pag-iisip ng Tao

Pedro :wala..ung tunog ng hanging pang-kundisyon na malapit sa akin.he he he

Idsil: batong tugtog, heheheh

 

 

25.san ka nagpunta nung araw ng lingo?

krams: sa bahay pagkatapos ng trabaho.

Lyzius: sa trabaho

Yani:  sa trabaho lang din

Jep:tarbaho…

Me: Parang may iba pang pupuntahan ng araw ng Linggo, sa trabaho pa rin

Pedro: sa opisina

Idsil: opisina at metro manila

 

 

26. may curfew ka ba – daya talaga sino ba may sulat nito bat ingles

krams: depende kung hindi na ako hihigpitan….

Lyzius: oo

Yani: hay…meron din eh.

Jep:la

Me: Wala

Pedro: meron..pinakahuli na ung syam ng gabi...dahil wala ng serbisyo pag tapos nun

Idsil: kung minsan.

 

 

27. anong pinagkakaabalahan mo ngaun?

krams: wala..mayamaya trumpo na ako

Lyzius: pagsagot sa kalokohang ito

Yani: mga tawag ng mga ibang kompanya..

Jep:nagpapauto sa gumawa ng kabalbalan na to…

Me: Wala naman. Eto sumasagot sa mga tanong

Pedro:ang sumagot sa mensahe na ito

Idsil: ito. Kasi ala ako magawa eh.

 

 

28. sa palagay mo cno sunod na ssagot sa survey na to?

krams:  ewan ko...

Lyzius: ewan laang

Yani: yung mga medyo walang magawa

Jep:ewan ko..pero cguradong may pang apat pa na magpapauto pa…

 

ang chumorva!

April 3rd, 2008

Booked

Posted by lyzius0608 at 10:48 AM on April 3, 2008 in buhay buhay lang.

 

 

yeah baby yeah...

hindi naman ako masyadong excited at naka book na ang pag uwi ko sa Dec... 

Confirmed na yun, payment na lang kulang. By month of November pa naman ang bayaran kaya walang masama di ba? In case na bigla akong mapraning pwede ko ipa rebook yun ng mas maaga... Let's say september, pero bakit ako uuwi ng september?

Dec 6 at 1855 CX 746 ang flight ko... hehehe... darating ng hongkong ng 600... 7 hours and 5 minutes na byaheng umaatikabo

Via HKG ang flight ko...so kelangan ko talagang banggitin ang flight details ko...

Aysus, nayun ko lang napansin na 0805 pala ang alis ng HKG at darating ng MLA ng 1000...so 1 hour and 55 minutes pa ulit bago ako makatuntong sa aking bansang sinilangan!

Yahoo! Google!

Nasa pinas na ako nun... sana naman sunduin ako ng tribu ni Cha kasama ang aking mga junanakis!

Temporarily babalik daw ako kunwari ng Jan 1...sinong me sabi nun? Yung tiket ko lang... kasi ipapamove ko yung ng Jan 8...

O kung hindi ko mapa move, hindi na lang ako babalik ng Dubai...

Nyahahaha! 

 

3 chorva ka lang!

« Newer | »